Monday, May 20, 2013

[Article] Kylie Padilla Got Mad At Aljur Abrenica After Car Accident


Reposted From: http://filipinasinshowbiz.com


Out of concern and worries for her boyfriend aljur Abrenica, Kylie Padilla was a bit perturbed after finding out that he got into a car accident which ruined his Dodge Challenger. Kylie knows exactly how Aljur drives so it’s understandable that she got mad at him. She’s glad that Aljur is OK of course but she knows by experience how fast Aljur drives his car so now she’s hoping he has learned his lesson.



Kylie, tinalakan si Aljur matapos maaksidente! Mayabang daw kasing magmaneho!
Pinagalitan ni Kylie Padilla ang boyfriend na si Aljur Abrenica, matapos nitong malaman ang aksidenteng nangyari sa aktor nang bumangga ang bagong minamaneho nitong sasakyan sa Q.C. kamakailan. Ang naturang sasakyan ay Dodge Challenger na ginamit na display sa premiere showing ng Fast & Furious 6 last week at minaneho pa ng Hollywood actor at bida sa movie na si Vin Diesel.
Sa interview namin kay Kylie matapos ang live airing at huling episode na ng Party Pilipinas last Sunday, ipinangalandakan nitong nagalit siya sa nangyari sa aktor. Hindi raw niya agad nalaman ang aksidente ng kasintahan dahil alam daw ni Aljur na maga-alala siya.
Nang ipaalam sa kanya ang nangyari, hindi raw niya napigilan ang sarili at tinalakan niya ang boyfriend. Ipinaliwanag naman ni Kylie na bunsod ng paga-alala niya sa kalagayan at kaligtasan ni Aljur ang rason kung bakit niya ito pinagalitan.
Ayon sa kanya, marami ang nagmamahal sa kasintahan kaya dapat daw mag-ingat ito sa kanyang mga ginagawa lalo na pagdating sa pagmamaneho. Isa pa sa rason ng galit niya ay dahil kilala raw niyang mabilis magmaneho ang kasintahan.
Siya mismo ay naranasan na kung gaano kayabang magmaneho si Aljur. Kahit daw sa mga masisikip na kalye ay humahagibis ito. Ang nabanggang sasakyan ang gamit-gamit daw nila nung ma-experience ni Kylie ang pagiging mabalasik ng boyfriend sa manibela. Pagsasalarawan nga ni Kylie, para nga raw siyang nasa “roller-coaster” nung mga sandaling ‘yon.
Hindi raw maiwasan ni Aljur na hindi patakbuhin ang bago nitong laruan dahil mayabang naman daw kasi ang kotse nito.
Nagpapasalamat na nga lang si Kylie dahil walang nangyaring masama kay Aljur. Wala itong natamong injury. Malayo sa lugar ng aktor ang na-damage sa sasakyan nito.
‘Yun nga lang, umaaray ngayon ang boyfriend niya, ayon kay Kylie dahil bagung-bago ang kotse nito.
Sa nangyari, inaasahan ni Kylie na magtatanda na si Aljur.

Mismong ito na rin daw ang nangakong maghinay-hinay sa pagmamaneho para hindi na maulit uli ang aksidente.(source: rey pumaloy)


No comments:

Post a Comment