Tuesday, August 13, 2013

[Article] Kylie Padilla: Glows Bbrighter Than The Rest


Credit: http://www.gmanetwork.com




Ever been in a sea of people and someone just stands out only to find out later that person was a celebrity? What a sight to behold! But let me ask you: Have you ever been in a sea of celebrities and yet someone still stands out? That someone might probably be the stunning Kylie Padilla.

You’ve seen her fight for something as Bea Guevarra in the Good Daughter, be the beauty in Blusang Itim and how could you forget her flawless portrayal of Rossana in Unforgettable. Since then Kylie has been a staple in TV, commercials and advertisements.


Kylie has always been a head turner, the type that men get crazy over with. However, nowadays, there seems to be a distinct glow about her. It might be because of her active lifestyle that makes her glow. She’s always on the go and keeps herself in tip top shape by belly dancing and Muay Thai, a sport shared with her dad, Robin Padilla. Might it also be because of her blissful relationship with Kapuso Heartrob Aljur Abrenica or the newfound liberation of living independently with her sister ZhenZhen that has been recently bestowed to them by their father? Whatever it is, there seems to be this air of confidence and this desire to keep improving on her craft that makes Kylie glow brighter than the rest. 

With her passion for success and the willingness to achieve more in life, the only way to go is up and at the rate she is going, future looks bright for the stunning Kylie Padilla. To get more of Kylie, watch her every Sunday on Sunday All Stars! Every 12 noon to 2:00 PM 

Mikan L. Leachon, GMA Social Media Specialist 

Photo by: Bochic Estrada 

[Video] Tropang Trending "OPM NOVELTY" Performance for Sunday All Stars (August 11, 2013)


Credit: GMA 7
Video By: PinayGandaLive5





Friday, August 9, 2013

[Article] Kylie Padilla, Pinayagan Nang Magsarili Ni Robin Padilla


Credit: http://www.pinoyparazzi.com






KUMPARA DATI na talagang hinihigpitan si Kylie Padilla ng ama niyang si Robin Padilla, ngayon ay maluwag na ito sa kanya. Kahit sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Aljur Abrenica, wala nang anumang pagkontra ang action star.

“It’s about time!” nangiting sabi ni Kylie nang makausap namin kamakailan. “I’m twenty years old. Puwede na akong mag-start na maging independent.

Nagpaplano na nga raw siyang bumukod at mamuhay nang mag-isa. Pero kailangan pa raw niyang paghandaan ito.

“Pumayag na si Papa, eh. Nag-iipon lang ako. Gusto ko lang maging handa. Bago ko planuhin na magsolo. Siyempre, kailangan kong ihanda ang sarili ko financially.

“Actually ngayon, wala kaming kasama sa bahay. So, talagang kami lang ang naglalaba ng kapatid ko, ‘yong mas bata sa akin, si Chen Chen. So, kami ang naglalaba, nagluluto, naghuhugas ng pinggan. Kami lahat. And… marami na rin akong alam na lutuin!” natawang kuwento pa ni Kylie.

Ano ‘yong specialty niya na nagustuhan o naging paborito ni Aljur?

“Pininyahang manok. ‘Yon ang paborito niya sa mga iniluluto ko. Hindi siya nagpupunta sa bahay. Sa labas kami nagkikita. Mga three times a week, we see each other kapag hindi kami masyadong busy. We eat out. Okey naman kami. Masaya!” sabi pa ni Kylie.

Rubbing Elbows

by Ruben Marasigan

Sunday, August 4, 2013

Monday, July 29, 2013

[Article] Ang siga at ang probinsyana sa 'Wagas: Mga totoong kuwento ng pag-ibig'


Credit: http://www.gmanetwork.com






Hindi inakala ng bruskong si Frankie na ang mistulang pagkaligaw nila ng kanyang kaibigan sa kagubatan ang siyang magbibigay-daan upang makilala niya ang babaeng kanyang iibigin habambuhay.

Nais lamang magpahinga nila Frankie noon matapos ang maghapong pangangaso kung kaya’t tumigil sila saglit sa isang maliit na kubo na kanilang nakita sa kaloob-looban ng gubat.

Laking gulat ng binata ng matuklasang isang maganda at mayuming binibini ang naninirahan dito—si Maura.

Muling nagtagpo sina Frankie at Maura nang hindi sinasadyang mabalikan ni Frankie ang lugar na ‘yun kasama naman ang kanyang kuya.

Ang dahilan—ang kuya pala ni Frankie ay manliligaw ng kapatid ni Maura. Sa muling pagkikitang ito, si Maura naman ang tila nahumaling kay Frankie. Napansin ng dalaga na si Frankie pala ay gwapo, maporma, at macho!

At naging malinaw man na gusto nila ang isa’t-isa, inasahan na nilang hindi magiging pabor ang kani-kanilang pamilya sa relasyong nabubuo sa pagitan nila.

Kailangan bang limutin ni Frankie at Maura ang kanilang nararamdaman at magparaya alang-alang sa pag-ibig ng kadugo nila?


Tampok ang tambalang Kylie Padilla at Frank Magalona, abangan ang buong kwentong ito sa Wagas ngayong Sabado, August 3, 7 PM sa GMA News TV.