Monday, July 29, 2013

[Article] Ang siga at ang probinsyana sa 'Wagas: Mga totoong kuwento ng pag-ibig'


Credit: http://www.gmanetwork.com






Hindi inakala ng bruskong si Frankie na ang mistulang pagkaligaw nila ng kanyang kaibigan sa kagubatan ang siyang magbibigay-daan upang makilala niya ang babaeng kanyang iibigin habambuhay.

Nais lamang magpahinga nila Frankie noon matapos ang maghapong pangangaso kung kaya’t tumigil sila saglit sa isang maliit na kubo na kanilang nakita sa kaloob-looban ng gubat.

Laking gulat ng binata ng matuklasang isang maganda at mayuming binibini ang naninirahan dito—si Maura.

Muling nagtagpo sina Frankie at Maura nang hindi sinasadyang mabalikan ni Frankie ang lugar na ‘yun kasama naman ang kanyang kuya.

Ang dahilan—ang kuya pala ni Frankie ay manliligaw ng kapatid ni Maura. Sa muling pagkikitang ito, si Maura naman ang tila nahumaling kay Frankie. Napansin ng dalaga na si Frankie pala ay gwapo, maporma, at macho!

At naging malinaw man na gusto nila ang isa’t-isa, inasahan na nilang hindi magiging pabor ang kani-kanilang pamilya sa relasyong nabubuo sa pagitan nila.

Kailangan bang limutin ni Frankie at Maura ang kanilang nararamdaman at magparaya alang-alang sa pag-ibig ng kadugo nila?


Tampok ang tambalang Kylie Padilla at Frank Magalona, abangan ang buong kwentong ito sa Wagas ngayong Sabado, August 3, 7 PM sa GMA News TV.



No comments:

Post a Comment