Thursday, June 6, 2013

[Article] Kris-Aljur-Kylie Movie Shelved


Credit: http://www.tempo.com.ph/





NANGHINAYANG si Kylie Padilla na hindi natuloy ang teleseryeng dapat sana’y pagsasamahan nilang tatlo nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. “Sana ay Dalawa ang Puso Ko” ang title. Hindi alam ni Kylie ang dahilan kung bakit na-shelve ang naturang project ng GMA7.

Gustung-gusto pa naman daw niyang makatrabaho ang boyfriend niya. Kinukulit nga raw niya si Aljur na maglambing ito sa management na pagsamahin naman sila sa isang project.
Gusto rin niyang makatrabaho si Kris at okey sa kanya ang kontrabida role, ani Kylie. Waiting pa siya for her next project after “Unforgettable.” Kung tama kami, kasama si Kylie sa SAS (Sunday All Stars), programang kapalit ng “Party Pilipinas.”

May biniling condominium unit sa Rockwell Plant Makati si Kylie na lilipatan niya this month (o baka nakalipat na nga siya). Gusto raw sana ng kanyang papa Robin Padilla na mag-share sa ipinambili niya ng condo. She begged off dahil gusto niya, mula sa sarili niyang kita ang ipambabayad niya, ani Kylie.


No comments:

Post a Comment